WIT – IIEE CSC Nakiisa sa 12th RSCON

iiee

WIT – IIEE CSC Nakiisa sa 12th RSCON

 

Ni: John Paul B. Balsomo

 

Syudad ng Iloilo – Pinaunlakan ang mahigit kumulang 400 estudyante mula sa iba’t ibang Kolehiyo at Unibersidad sa Kanlurang Bisayas na binubuong Capiz State University (CAPSU) at Colegio de la Purisima (CPC) ngRoxas City, STI-West Negros University (WNU) ng Bacolod City, Central Philippine State University (CPSU) ng Kabankalan City, University of Antique (UA) ngSibalom, Antique at Western Institute of Technology (WIT), Iloilo Science and Technology University (ISAT U) at Central Philippine University (CPU) ng Iloilo City ang 12th IIEE CSC Regional Student Conference (RSCON) naginanapsa ISAT-U Main Campus, Burgos St., La Paz, Iloilo City nitong nakaraang Setyembre 15 – 17, 2016 na may temang “Soaring High Toward Globalization.”

 

Sa unang araw ng nasabing aktibidad agad nabinusog ang mga delegado saTeknikal seminar naihihanda para sa mga ito. Ito’y pinangunahan ng dalawang ispeker na alumni ng WIT nasi Engr. Joel Songanona konektado sa ngayon sa NGCP, Engr. Arnold Songanob – Gobernador ng IIEE Iloilo Chapter at konektado sa GBP at Engr. Roger Balderas na Alumnus din ng Master of Engineering ng paaralang ito. Pagkatapos ng seminar ay agad namang binuksan ang EElympics nanaglalayong mapasaya at makakilalang bagong kaibigan at kapwa estudyanteng ibang paaralan na kumukuha din ng Electrical Engineering nakurso. Kasabay ng iba’t ibang laro naganap ang 18th Regional Congress at taunang meeting at eleksyon ng bagong opisyal ngRehiyon Anim kung saan si John Edward Rodriguez ang nahalal na bagong Besi Gobernador para sa Teknikal at Mae Ann Cepeda naman bilang BOD ng WIT.

 

Samantala, sa ikalawang araw ng aktibidad naging makaagaw hininga ang 16th Regional Math Wizard matapos napinag-agawan ng WIT at ISATU ang ikalawang pwesto kung saan ito’y nag kaparehong iskor hanggang umabot sa Clincher nakategorya at sa huli nakuhang WIT ang 2nd Runner up, ISAT 1st Runner up at itinanghal na kampeon ang CAPSU. Ang CAPSU at ISAT U ang dalawang paaralan ang magrerepresenta ng Kanlurang Bisayas sa National Math Wizard nagaganapin sa SMX Convention Centernitong Pebrero 2017. Binubuo ang koponan ng WIT nina John Paul T. Castillo (5th year) bilag kapitan ng grupo, Mark Robert P. Napilay (5th year), Joan Rose Desamparado (5th year), Neil JophetP. Arxallan (4th year) at Clarice Faye R. Minguez (3rd year).

Sahapon ay muling inabangan ang 30th Regional Quiz Show kung saan agad naumarangkada ang WIT ang nag-iisang paaralan nanakakuha ng unang tanong. Napabuntong hininga ang mga manununod sa magandang laro naibinigay ng mga quizzers matapos naitinanghal ang WIT bilang 2nd Runner up at pinag-agawan naman ng CAPSU at UA ang kanpeonato kung saan nakuhang CAPSU ang 1st Runeer up at itinanghal naman na kampeon ang UA. Ang UA at CAPSU ang mag rerepresentang Kanlurang Bisayas sa National Quiz Show nagaganapin kasabay ng National Math Wizard. Binubuo ang koponan ng WIT nina John Paul T. Castillo (5th year) bilang kapitan ng grupo, John Paul B. Balsomo (5th year), Mark Robert P. Napilay (5th year), Keith John B. Paclibar (4th year) at Fermin B. Fortuna (4th year), samantala si Engr. Albert A. Aligarbes naman ang naging coachng 16th Regional Math Wizard at 30th Regional Quiz Show

 

Ang 16th Regional Math Wizard at 30th Regional Quiz Show ay parehong pinaunlakan ng CAPSU, CPSU, CPU, ISAT U, UA at WIT.

 

Pagkatapos ng nakakaagaw hiningana aktibidad sa umaga naging makasaysayan naman ang gabi matapos masungkit ng CAPSU ang titulong 1st Mess IIEE WV, 1st Runner up naman ang ISAT U at 2nd Runner up si Rannie Vincent Solano ng WIT.

 

Sa ikatlong araw ng aktibidad naging kaabangabang ang championship sa Basketball at Volleyball kung saan nakuhang ISAT U ang kampeonato sa Basketball, 1st Runner up naman ang CAPSU at 2nd Runner up ang WIT. Sa Volleyball naman nasungkit ng ISAT U ang kampeonato, 1st Runner up naman ang WIT at 2nd Runner up ang CAPSU.

 

Samantala, gumuhit samukha ng mga delegado ang walang halong saya sa inihandang Amazing Race kung saan ang bawat koponan ay binubuo ng iba’t ibang estudyante mula sa iba’t ibang paaralan nanaglalayong makapagkilalang ibang kapwa EE dito sa Rehiyon Anim.

 

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Ma. Eloisa Murguia Gobernador ng IIEE CSC Rehiyon Anim kasamahang kanyang Besi-Gobernador nasi Nikko Lozada at iba pa nito.